GILINGANG BATO PDF

Ang Gilingang Bato Walang nakakaalam kung gaano na katanda ang gilingang bato. Sa likod niyan ay walanang makapaglahad sa kasaysayan ng gilingang bato, maliban sa sabi-sabi na ang kalahian daw ni Ina ay kalahian ng magpuputo. Ang ina raw ni Impo ay isang mahusay na magsusuman,kinilala sa buong San Fermin at dinarayo maging sa mga karatig-bayan na nagnanais magregalo o maghanda ng espesyal na suman sa kapistahan, kasalan at iba pang okasyon na may handaan. Si Impo ay naging kabalitaan daw naman sa kanyang bibingkang sapin-sapin. Sa mangasul-ngasul na hilatsa sa galingang bato, ang pinag-ukitang batong-buhay ay maaaring sintanda na ng panahon.

Author:Kazradal Moogudal
Country:Sao Tome and Principe
Language:English (Spanish)
Genre:Politics
Published (Last):8 January 2016
Pages:487
PDF File Size:12.90 Mb
ePub File Size:10.10 Mb
ISBN:566-9-11353-915-9
Downloads:62869
Price:Free* [*Free Regsitration Required]
Uploader:Kigashicage



Ang Gilingang Bato Walang nakakaalam kung gaano na katanda ang gilingang bato. Sa likod niyan ay walanang makapaglahad sa kasaysayan ng gilingang bato, maliban sa sabi-sabi na ang kalahian daw ni Ina ay kalahian ng magpuputo.

Ang ina raw ni Impo ay isang mahusay na magsusuman,kinilala sa buong San Fermin at dinarayo maging sa mga karatig-bayan na nagnanais magregalo o maghanda ng espesyal na suman sa kapistahan, kasalan at iba pang okasyon na may handaan. Si Impo ay naging kabalitaan daw naman sa kanyang bibingkang sapin-sapin. Sa mangasul-ngasul na hilatsa sa galingang bato, ang pinag-ukitang batong-buhay ay maaaring sintanda na ng panahon.

Ngunit ang mismong gilingan ay Hindi kapapansinan ng kalumaan, maliban sa tatangnang mulawin, na kuminis na at nagkabaywang sa kaiikot sa sarisaring kamay. Hindi ko alam kung gaano kahusay na magpuputo si Ina.

Sa lasa ko, ang kanyang lutong mga kakanin, na bihira kong tikman, ay wala nang katangi-tanging sarap. Ngunit maaaring masarap ngang magkakanin si Ina pagkat siya, tulad ni Impo, ay nagging kabalitaan din sa pagpuputo.

Ang pagkakanin ni Ina, kung bagaman, ay Hindi siyang sandigan ng aming kabuhayan noong nabubuhay pa si Ama na isang panday. Ngunit bigla-bigla ang pagkamatay ni Ama.

Nakaramdam ng naniningid na pananakit sa puson at pamamanhid sa paligid ng pigi, inakala na iyon ay kung ano lamang na titigil din nang kusa, at nang pumayag na pahatid sa ospital nang panahong iyon ay mayayaman lang ang karaniwang nagpapaospital sa kabisera ay huli na; mula sa San Fermin hanggang sa kabisera ay dalawang oras na paglalakbay sa karitela, at sa daan pa lamang ay sabog na ang apendisitis.

Maliit pa ako noon, pito o walong taon, upang akin nang maunawaan ang kahulugan ng gayao ni Ama sa mga naiwan. Dalawang beses lang daw umiyak si Ina: sa aktuwal na sandal na pagkamatay ni Ama at nang ang bangkay ay ibinababa sa hukay ang pait ay kinimkim sa kalooban, ayaw iluha. At sa libing pa lamang ay usap-usapan na ng mga Tao kung paano kami mabubuhya ngayong wala na si Ama.

Kawawa raw naman kami. Tatlong araw pagkaraan ng libing ay pinulong daw kami ni Ina Hindi ko ito natatandaan. Ngunit ngayong wala na kaming ibag pinagkukunan ay Hindi na maari iyong umasa na lamang kami sa dating ng order; kailangang magputo kami at magtinda araw-araw.

Naging abala ang gilingang bato mula noon. Gumigiling kaming lahat, palit-palitan. Sa umaga, ang malagkit ay nakababad na. Sa hapon ay simula ng paggiling, na inaabot ng katamtamang lalim ng gabi. Hindi medaling gilingin ang tatlo-apat na palangganang galapong. Bukod sa mga tanging pagawa, si Ate at si Kuya ay nagtulong sa isang puwesto ng bibingka at puto-bumbong sa kanto.

Si Ditse ay nakapuwesto sa palengke tuwing umaga, sa hapon ay lumilibot, sunong ang bilao ng sumang malagkit at suman lihiya. At maging ako, sa edad kong iyon, ay nagtitinga rin, maglalako ng gurgorya, bagamat Hindi ako lumaayo nang malayo. Natatandaan ko na minsan ay napaaway ako sa aking paglalako ng gurgorya. Dalawang bata ang nakisabay sa lakad ko, at tuwing itatawag ko ang aking tinda ginagagad ako.

Nakipagbabag ako dahil doon. Umuwi ako nang ngumangalngal, dumurugo ang bibig, may kalmot sa leeg at sa pisngi. Nagsumbong ako kay ina, ngunit ako ang kanyang sinisi. Hindi ko raw dapat pinansin ang panunukso, at lalong Hindi raw nararapat na makipagbasag ulo ako nang dahil ang doon.

Pinadapa niya ako, tatlong sunod na pinalo ng patpat. Inulit nya ang pangaral na ito sa aking mga kapatid kinagabihan. Hindi tayo nagnanakaw. Ang aming bahay na pawid at kawayan ay nagging table at yero. Sa gabi, ang kabuuan ng mga intrega ng pinagbilhan ay tinutuos ni Ina, ang tubo ay inihiwalay sa puhunan, itinatabi.

Magtrabaho ang pagkakanin. Mula sa pangunguha ng mga dahon ng saging hanggang sa pagtitinda ng luto nang mga kakanin sa samut-samot na paghahanda at Gawain. Ngunit sa kabila ng kaabalahan ay naisisingit naming ang pag-aaral, maliban lamang kay Ditse, na sapagkat may kapurulan ang ulo sa eskwea ay tumigi pagkaraang makapasa, nang pasang-awa sa ikalimang grado. Nababawasan ang katulong ni Ina sa hanapbuhay ay nadaragdagan naman ang paggugugulan. Tatlo na lang kaming naghahalihalili sa gilingang bato.

Patuloy ang pagtanggap ni Ina ng mga pagawang puto at suman. Si Ditse ang pumalit sa bibingkahan ng puto-bumbungan. Sa akin napasalin ang pagtitinda ng kakanin sa palaruan ng pool sa bayan, at sa sabungan tuwing Sabado at Linggo. Gayunman, ang kita naming ay Hindi na katulad noong lima kaming ka-balikat ni Ina sa hanapbuhay. Nagtataka ang aming kababaryo. Ngunit ang Hindi alam n gaming mga kabaryo ay ang katotohanan na noong wala pang nagkokolehiyo sa amin, si Ina ay ipon ng ng ipon ng itutustos sa pagkarera ng kanyang mga anak.

Pareho naman silang nakatapos, kung sabagay: si Kuya ay komersiyo at si ate ay edukasyon. Tulad n gaming nakakatandang mga kapatid, nang matapos naming ni Diko ang mga Kursong pinili naming at magkaroon ng sariling trabaho, ang sumunod na hinarap naming ay pag-aasawa.

Si Ditse ang pinakahuling nag-asawa sa amin, at ang nagging kapalaran naman ay isang magsasaka. Nalayo kay Ina ang kanyang mga anak, liban kay Ditse, at sa napangasawa nito, na nakapisan sa kanya, sa dating bahay naming.

Kaming talong lalaki ay layu-layo rin ng tirahan sa kamaynilaan. Si Ate, na ang napangasawa ay isa ring titser na tuad niya, iniuwi ng aking bayaw sa sariling bayan nito, sa Santa Cruz,Laguna, at doon sila parehong nagtuturo. Ngunit Hindi kami nakakalimot sa pagdalaw kay Ina. Lao na tuwing Pasko, nasa kanya kaming lahat, pati na ang mga manugang at ang mga apo. Talagang matanda na noon si Ina. Pilak na ang kanyang nandadalang buhok. Iuyloy na ang kalamnan ng mga braso, lumaladlad na ang mga pisngi.

Ngunit sa larawang iyon ng katandaan ay mababakas pa rin ang katatagan, at sa may kalabuan nang mga mata ay masasalamin ang kawalang-pagsisisi sa kanyang buhay at sa kanyang pagiging isang ina.

At bakit nga Hindi? Sa abot ng kanyang kaya ay nagawa niya ang pinakamabuti para sa kanyang mga anak. Sa San fermin, ang anak ng isang magsasaka ay maaasahang magiging isang magsasaka rin, ang anak ng isang kutsero ay maaasahang magiging isang kutsero rin. Bihirang ina ang makagagawa ng nagawa ni Ina. Si Ditse ay abala na sa sariling mga anak upang maasikaso pa ang pagtitinda ng mga kakanin.

Ngunit si Ina at tumatanggap pa rin ng mga pagawang puto at suman. Iisa ang payo ng kanyang mga anak,dpat na siyang tumigil sa mabigat na gawaing iyon, dapat na niyang iukol ang nalalabing mga araw ng kanyang buhay sa pamamahinga. Ngunit ayaw niya kaming pakinggan. Sa lungsod ay walang katatagan ang pamumuhay. Maaaring may trabaho ka ngayon, maaaring bukas naman ay wala. Darating sa iyo ang sarisaring di mo inaasahang mga kagipitan. Umaabot it okay Kuya, sa akin, at lalo na kay Diko, na ang tinapos lamang kurosong vocational, radio-TV technician.

At sa kagipitan, takbuhan ni kuya at ni Diko ay si Ina. Sa pananalita ni Kuya at ni Diko, ang kiukuhang pera ay hiram, ngunit sa pagbabayaran ay Hindi naman tinatanggap ni Ina. Nasa menila kayo, walang malalapitan. Anhin ko mang wariin ay Hindi ko kayang dibdibin na hingan ng pera, sa porma ng hiram, si Ina, na tuwing maalala ko ay sa kalagayang matanda at mahina na ay pumipihit pa rin ng gilingan bato.

At gayundin, sa aking pagpapaalam ay may iaabot ako sa kanya na sampung dalawampung pisona maaari ring inutang ko lamang. Kahit na anong pilit naman ang gawin ko ay Hindi niya iyon tatanggapin. Kung gaano siya kapilit sa pagbibigay ng pera sa mga anak ay gayundin naman siya kapilit sa pagsasauli ng perang bigay ng mga anak. Kapag umuwi ang isang anak niya, at sa pagpapaalam ay walang iniaabot nap era, ang hinala agad nya ay gipit ang anak niyang ito, at kaya umuwi ay may kailangan, nahihiya lamang na magsalita.

Dudukot siya ng pera sa kanyang bulsikot at ipipilit iyon sa anak. At kung ibig ng anak na magdamdam at magtampo ang ina, ang kailangan lang na gawin niya ay tanggihan ang perang ibinibigay. Hindi niya tatanggapin iyon,alam ko, ngunit Hindi niya lamang niya ako sapilitang bibigyan ng pera pagkat sa akala niya ay maluwag ako, na siyang kahulugan ng aking pagbibigay.

At isa pa ay ayokong isa pa ak sa kanyang anank na iniintindi niya. Ibig ko nakapag naalala niya ako at aking pamilya ang nasa isip niya ay patag an gaming lagay. Minsan, sa pag-uwi ko ay dinatnan ko si Ina na akto ng paggiling. Bago ko inagaw sa kanya ang trabaho ay ilang sandai munang minasdan ko siya sa pagkakaupo ko sa kanyang tabi.

Makupad na at hirap ang kanyang mga kilos. May kinig na ang kanyang kamay sa bato. Pagsaglit-saglit ay tumutigil siya, naghahabol ng hininga. Wala na ang kanyang dating lakas, sigla, at liksi. Ngunit ang pinagtatakhan ko ay kung paanong ang tuyot nang bising na iyon ay nakakaya pang makapihit ng gayong bigat.

Sa bawat tulak at sa bawat kabig ay lalong nanlalalim ang kanyang malalalim nang balagat. Ang nag-usling mga ugat sa kanyang braso ay waring nagsisipagbantang mag-ikasan. Natuon ang tingin ko sa kanyang kamay: kaluntoy, butuhan,si ina ay animo na lamang ng kanyang dating sarili, ngunit ang gilingang bato ay iyon pa rin. Sa gilingang bato ay nabanaag ko ang panahon; sa lantang kamay ni Ina ay nakita ko ang mga huling sandal ng pakikihamok ng Tao sa panahon. Ang Tao ay dumarating at yumayao; ang panahon ay nananatili.

Si Ina ay Tao; ang gilingang bato ay panahon. Inagaw ko ang gilingan.

AUTOMOBILE MECHANICS BY N K GIRI PDF

Batong gilingan

May kahulugan sa buhay ang gilingang bato ng kanyang ina. Walang nakaaalam kung gaano na katanda ang gilingang bato. Sa likod niyan ay wala nang makapaglahad sa kasaysayan ng gilingang bato, maliban sa sabi-sabi na ang kalahian daw ni Ina ay kalahian ng magpuputo. Ang ina raw ni Impo ay isang mahusay na magsusuman na kinilala sa buong San Fermin at dinarayo maging ng mga tagakaratig-bayan na nagnanais magregalo o maghanda ng espesyal na suman sa kapistahan, kasalan at iba pang okasyon na may handaan. Si Impo ay naging kabalitaan daw naman sa kanyang bibingkang sapin-sapin. Sa mangasul-ngasul na hilatsa ng gilingang bato, ang pinag-ukitang batong-buhay ay maaaring sintanda na ng panahon. Ngunit ang mismong gilingan ay hindi kapapansinan ng kalumaan, maliban sa tatangnang mulawin na kuminis na at nagkabaywang sa kaiikot ng sarisaring kamay.

AFRICAN COSMOLOGY OF THE BANTU-KONGO PDF

BUOD GILINGANG

You are on page 1of 1 Search inside document Ang kuwento ito ay naglalahad tungkol sa isang pamilyang ang naging ikinabuhay ay ang paggawa at pagtitinda ng mga kakanin gamit ang kanilang sariling lumang gilingang-bato. Ang gilingang- bato ay naging instrumento ng inang si Aling Trining upang kumita ng pera at mapag-aral ang mga anak hanggang sa kolehiyo. Nang mamatay ang kanyang asawa ay inako na niya ang responsibilidad sa pagpapalaki ng limang anak. Hinangaan si Aling Trining na kahit na ang buong angkan nila ay kilala sa paggawa ng mga masasarap na kakanin ay naitaguyod niya ang kanyang mga anak at napag-aral pa sa Maynila.

Related Articles